Sa Aking Paglalakbay

Ni Mark Allen Santos
012719

Buwis buhay kang maglalakbay
Sa pagtatangkang marating ang tugatog ng bundok na inaasam.

Dito ko naranasan kung paano nga maglakbay
Ang isang kagaya kong walang kasiguraduhan
Kung hanggang kailan ako maglalakbay
Sa mga bundok na aking nais marating at masilayan.

Kalaban ko’y takot at kaba
Panghihinaan yaring mga tuhod sa mabato at maputik na daan.
Mauuhaw ka’t kakapusin ng hininga.
Madarapa, Madudulas, Masusugatan.
Wala kang ibang kakapitan kundi sarili mo at ang iyong pagdarasal
Na huwag sanang mapahamak kung saan man.

Sa kabila ng lahat ng ito,
Taos puso ako’ng nagpapasalamat sa Dios na aking gabay
Binigyan Niya ako ng lakas at ginabayan ako sa aking paglalakbay.
Ipinakita Niya sa akin ang ganda ng mundo na sa panaginip ko lamang nasisilayan.

Ang sarap pala mabuhay sa mundo na aking tinatapakan.
Mga problema ko’y tila limot ko na.
Wala na nga sa akin makakapigil.
Sa kasiyahang dinulot sa aking kamalayan.
Dugo’t pawis ay aking inilaan
Marating ko lamang yaring tugatog na aking tinatapakan.

Hindi ako magsasawang maglakbay
Sapagkat batid ko na akin nang makikita
Pag-ibig na inaasam.
Pag-ibig na ‘di kayang ibigay ninuman.
Kundi ang pag-ibig na sa kalikasan ko lamang matatagpuan.

Credit© Mark Allen Santos

http://www.facebook.com/BersoDeEstiloPilipino

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s