‘Wag Mong Iwan ang Iyong Kapatid

Ni Desiree Molines

‘Nak huwag mong iwan ang iyong kapatid.
Kahit sa paglaki niyo marami kayong pagdadaanan.
Maraming pagsubok ang inyong mararanasan.
Maaring iwan kayo ng iba ngunit ang inyong pinagsamahan ay ‘wag kalimutan.

‘Wag mong iwan ang iyong kapatid
Kahit makagalitan niyo ang isa’t isa sa maraming bagay.
Kahit magkatampuhan pa kayo paulit-ulit
Sa gitna ng pagsubok ‘wag kayo mag iwanan.

‘Wag mong iwan ang iyong kapatid
Alalahanin niyo na iisa lamang kayo
Magkapatid sa dugo’ t laman kahit mag iba man ang inyong magiging pamanaw sa buhay.
Isa lamang ang inyong pinanggalingan.

‘Wag mong iwan ang iyong kapatid
Kahit lumayo pa yan sayo tumagal man na ‘di kayo magkita.
Mag-iba man ang kanyang tahanan
Subukan mo naman siyang kamustahin. Sapagkat sabik din siyang ika’y masilayan.

‘Wag mong iwan ang iyong kapatid
Alalahanin mo kung sino una mong naging kaibigan?
Una mo’ng nakalaro at niyakap.
Una mo’ng binantayan nang siya’ y maliit pa lamang.

Sa inyong paglaki, maalala niyo pa rin ang aming mga habilin at pangaral./BDEP

Credit © Desiree Molines

http://www.facebook.com/BersoDeEstiloPilipino

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s