Camping

Ni Lheins Loyola

Sa gabing Kay liwanag Ng buwan at tila Kay saya
Kantahang walang humpay sabay ngiti Ng mga Mata
Tayo’y malayo sa siyudad at Malaya sa kalangitan
Tanging naririnig Ang mga puso nating masayang nag-kakantahan…

Hanggang sa pag-ihip ng hangin mga kulisap ay papalapit na tila dumadami
Kasabay Ng Hindi inaasahang pangyayari
Isang sibat Ang tumama sa ulo Ng aking katabi
Agad bumagsak na nag bigay takot sa akin…

Ang mga kulisap ay mga nag babagang apoy sa malapitan
At biglang bangungot Ang pumalit sa aming kasiyahan
Lahat ay nag sipag takbuhan at nag sigawan
Makaligtas Lang… Tumatakbo kahit Hindi Alam Ang pupuntahan…

Ako’y nabalot Ng takot at bibig ko’y tinakpan
“Oh Diyos ko tulongan mo ako” pabulong Kong sinabi
Ng Makita ko Ang aking kaibigang nag mamakaawa
Hawak siya sa leeg Ng isang nilalang na Kalahati tao at kalahati baka…

Leeg niyang giniitan at dugo niya’y tumulo
Hinagis sa cariton na puno Ng mga tao
Hindi ko Alam kung ano Ang gagawin ko
Mga sigawan na unti- unting nawawala…

Tumakbo ako dala Ng aking takot
Ngunit napahinto Ng May batang humarang sa aking harapan
Na kalahating tao at kalahating baboy
Sa kaniya ako’y sumenyas Ng wag maingay
Ngunit itinuro din nya ako sa kaniyang kasamahan…

Nagising na Lang ako sa lugar na tila pamilyar
Mga dugo na nag kalat sa sahig at mga tao na nakasabit sa kung saan
Mga nilalang na tinuturo Ang taong kanilang magugustuhan
Na tila para akong nasa isang pamilihan…

Nanlumo ako sa aking mga nakita
Nais ko man tumakas ngunit Hindi ako makagalaw
Ulo ko’y masakit at paa ko’y binali
Dasal ko na sana’y bangungot Lang Ang lahat…

Hanggang sa Ang kalahating baka at kalahating tao ay lumapit sa akin
Hawak Ang itak at naka titig sa aking mga Mata
Na puno ako Ng takot at Hindi Alam Ang aking gagawin…

Inangat Ang itak na hawak at hinila ako pataas
“Hindi!!!!!”

Camping

012419

-MotherConqueror-

http://www.facebook.com/BersoDeEstiloPilipino

Advertisements
Categories: Tags: , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s