Ang Kasaysayan ng Aking Pag-Ibig

ni Samuel Bathan de Ramos

Mahal pa rin pala kita—
Akala ko’y nalimot na,
Ng puso kong ito na umibig lamang at umasa.
Kung bakit ba naman inisip kong ako si Romeo,
At ikaw—
Ikaw ang aking Julieta.
Hindi pala!
Akala ko’y iisa ang ating nadarama;
Na kahit maraming pagsubok,
Tayo’y hindi magigiba,
Tayo’y hindi mangangamba.
Na kung marami mang balakid,
At naisin kong wakasan ang buhay ko’y susunod ka.
Mali pala!
Dahil ikaw ang siyang lalong naglason sa aking utak,
Kaya ang punyal sa aking puso,
Hanggang ngayo’y nakatarak.
Oo nga!
Marahil ako nga si Romeo;
Ngunit hindi ikaw,
Ang aking Julieta.

Mahal pa rin pala kita—
At sa puso ko’y naroon pa rin
Ang ating mga masasayang alaala.
Ng ating lambingan…
Ng ating suyuan…
Ng ating mga pangakong walang hanggan,
At ng aking buong pag-asa,
Na napalitan ng isang libong lungkot,
Na hindi kaaya-aya.
Inakala ko na ako si Adan;
At ikaw si Eba,
At sa hardin ng Eden,
Sa paraiso, tayo’y magsasama.
Ngunit nagtaksil ka—
At nagpatuklaw sa iba!
Wala…
Akong…
Kasing…
Tanga!
Nakatambad na ang hubad na katotohanan,
ngunit nagbubulag-bulagan pa.

Dahil mahal pa rin pala kita—
Kahit napakasakit na.
Ako si Florante;
At ikaw lamang ang aking Laura.
Hindi mo ba naaalala?
Bakit nagkaganito,
At nag-iba ang ating tadhana?
Doon sa gubat mo ako ipinalapa;
Sa leong mabangis at walang awa.
Ipinaramdam mong ako’y mahina.

Hindi na ba sasapit ang ginhawa?
Ako si Samson—
Ngunit ikaw ang aking Delilah;
Na siyang puputol sa taglay kong lakas at sigla.
Mabuti pa nga’y dukutin mo,
Ang aking mga mapupungay na mata;
Upang hindi ko na kailanman masilayan,
At masaksihang masaya ka,
Sa piling ng iba.
Na ang dating mga ngiti mo’y sa iba na nagpapasaya,
At ang bawat yakap at halik mo
Na dapat ay sa akin,
Ngayo’y dumadampi na sa kanya.

Ngayon sumagot ka!
Bakit ko pa nanaising maging si Paris,
Oh, aking Helena—
Kung ang pag-ibig natin,
Ang siyang magdudulot ng giyera?
Ang pag-ibig natin na tila isinumpa;
Ngunit teka!
Walang “natin”…
Ako’y nag-iisa.
Nag-iisang umiibig at nagpapaubaya,
Na ang pagmamahal kong ibinayad,
Ay bibigyan mo ng sukli.
Ngunit hindi!
Napakasidhi!
Mali pala!

Kaya ngayon sana nga,
Sa iyong pinili,
Ay tunay kang maging maligaya.
‘Pagkat kung hindi ay sayang,
Ang aking pagpaparaya.
Sarili ko’y aayusin;
At hahanapin ang sa akin ay nakatakda.
Siguro nga’y ang tunay kong katipan ay itong papel at pluma,
At ako’y nakalaan sa puso ng masa.

Larawang kuha ni:
Mr. Jomari Vasquez Apa

http://www.facebook.com/thefrustratedpoet

ww.facebook.com/BersoDeEstiloPilipino

Advertisements
Categories: Tags: , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s