9: Edad Ng Pananagutan

Ni Rex Molines

Pasanin ngayon ng mga menor de edad
Yaring minimum age criminal liability na
Kapag sila’y nakagawa ng krimen sa kapwa
May pananagutan na nga sila sa ating batas.

Mula sa edad kinse (15)
Binaba pa ito sa edad na Nuebe (9)
Sapagkat sa edad na ito ay mayroon
Na nga silang kamalayang mabatid
Ang TAMA at ang MALI.

Musmos man silang maituturing
Ngunit sila’y haharap na nga sa ganitong usapin.
Sino nga ba ang dapat panagutin?

Ang bata?
Ang ating batas?
Ang mga Organisasyong nangangalaga
sa karapatang pambata?
O, ang kanilang mga magulang?

Sa aking pagtanto,
Malaki ang pananagutan ng kanilang mga magulang
Sapagkat kanilang responsibilidad na;

Disiplinahin ang mga anak at
Ilayo sa masasamang gawa.

At sa ating mga kabataan ngayon,
Masyado na rin silang nagiging mapusok.

Hindi na nga alam ang tama at mali
Mga kabataang nambubuli sa kapwa bata
Mga kabataang hamog sa lansangan
Mga kabataang naliligaw ng landas
Mga kabataang nalulong sa masamang bisyo
Pinipiling pakisamahan yaring mga maling barkada sa kanto.

Paulit-ulit sa pagpapaalala ng mga magulang
Na huwag gagawa ng masama sa kapwa.
Ngunit tila ‘di rin natututo at
‘Di pinakinggan yaring payo.

Kaya hindi na rin natin mapipigilan pa o ninuman,
Ang pagsasabatas ng minimum age of
criminal liability edad 9.

Marahil ay nararapat lamang ito
Upang panagutin na rin sila (mga bata) sa batas.

Sa ilalim ng maayos na rehabilitasyon at hindi preso.
Mabigyan sana sila ng sapat na mga serbisyong
Makatutulong sa kanilang pagkatuto
At humantong sa tuloy-tuloy nilang pagbabago.

-rbm
012419

Facebook.com/BersoDeEstiloPilipino
#BDEP
#KabataanPartylist

Photo credit ©: philippineone.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s