“Anak, Hindi Galit Si Papa”

Ni Avie Uy

Anak hindi ako galit sayo.
Kahit na mas gusto mo ang mama mo.
Kahit na mas mahal mo ang mama mo.
At kahit na ayaw mong matulog sa tabi ko.

Anak, hindi ako galit sayo.
Kahit na magkikita lang tayo sa tagpuan naten sa kanto.
Kahit na si Jollibee ang mas Idolo mo.
At kahit na lagi mo kong iniinggit sa bagong laruan mo.

Anak, hindi ako galit sayo.
Kahit ganito pa ang sitwasyon ko.
At kahit na oras ko pa lang ang kayang iaalay ko.
At ang salitang “mahal kita” ang tanging pabaon ko.

Ikaw ang tanging irog ko na ilang taon kong nililigawan.
Ikaw ang tanging desisyon ko na hindi ko pinagsisihan.
Ikaw ang dahilan bakit hindi ako makasarili.
Iyan ang dahilan kung bakit ayaw kitang mamili.

Patawad kung di na tayo magiging katulad ng dati.
Patawad kung di na kita makukuwentuhan kapag gabi.
Patawad kung hindi na muna tayo magiging tatlo
Patawad kung sa ngayon magiging dalawa muna nalang tayo.

Pangako Anak, hindi ako galit sayo.
Kung galit ka sa akin ay maiintindihan ko.
Pangako Anak, hindi ako lalayo.
Nawala man ako sa bahay, wala namang nagbago.

Tulad parin ng nagdaang araw sa tagpuan ang kitaan.
Sa “Ever” tayo mamimili ng iyong mga kailangan.
Tapos kay idol mo paring si Jollibee ang tutunguhan.
At mapupuno ng kalungkutan pagkahatid sa inyo sa sakayan.

Sa pagkaway mo ng “pagpapaalam” ay nakangiti ako.
Ngunit sa likod nito ay ang pagdurog sa puso ko.
Ang pangamba ko sa pag layo mo sa paningin ko.
Ay ang siyang pagharap ko sa iba namang mundo.

Sana ay maalala mo parin ako.
Habang bitbit ko ang hiling mong “piano”
Sana tugtugin mo parin ang maliit na gitara mo.
Alalahanin mo na ako si “hector” at ikaw parin ang aking “coco”.

Anak hindi ako galit sayo.
Dahil ikaw ang kayamanan at irog ko.
Anak hindi ako galit sayo.
Dahil ikaw ang makulay kong mundo.

Alam kong magagalit ka sakin.
Nagkamali man ako pero ika’y mahal parin.
Alam kong sasama ang loob sa mga nangyari.
Pero mahal kita alalahanin mo parin sana ako, katulad ng dati. /BDEP

Credit© Avie Uy

http://www.facebook.com/BersoDeEstiloPilipino

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s