Minimum Age Criminal Liability sa Kabataan, Planong Ibaba pa sa edad 9

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ika nga ni Gat Jose Rizal. Ngunit kung sisirain ng mga masasamang-loob ang kinabukasan ng mga kabataan may pag-asa pa kayang magmutawi sa kanilang murang isipan?

Tila nagiging sangkalan na rin ang mga kabataan ng iba’t ibang uri ng kriminalidad sa ating lipunan. Ginagamit din ang kanilang kahinaan ng mga mapang-abuso sa lipunan. Karamihan sa mga kabataan ay nagiging tulak ng droga at iba pang masasamang gawain na hindi dapat sila ang nakikipaglaban sa mga awtoridad sa kaayusan ng ating lipunan.

Tulad ng mga napaulat na sa radyo, telebisyon at mga pahayagan na may mga kabataang bulakbol o hamog sa lansangan na namemerhuwisyo ng mga pasahero sa mga jeep, bus at taxi. Hinahablot ng mga kabataang ito ang mga gamit ng mga mananakay at minsan sinasaktan pa nila ang kanilang mga nabibiktima. Ang ending, walang magawa ang mga nabibiktima dahil menor de edad pa lang ang nakagawa ng krimen sa kanila. At habang sinusulat ang artikulo na ito ay may ilang nagmumungkahi pa rin na ibaba pa sa siyam (9) na taong gulang ang criminal liability sa mga kabataang gumagawa ng hindi tama sa kapwa.

Mas malaki ang risks o tiyansa na mas mapahamak ang mga kabataan sapagkat nagiging tulak din sila ng droga dahil sa mga sindikatong nakapaligid sa kanila. Bagay na nakakaalarma na. Nasaan nga ba ang kanilang mga magulang?

Naging usapin kamakailan sa Senado ang isang panukalang batas na naglalayong ibaba sa 13 anyos ang edad para panagutin ang bata sa nagawang krimen, mula sa 15 anyos na nakapaloob sa umiiral na Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. Ngunit maraming sindikato ang umaabuso sa Juvenile Justice and Welfare Act sa paggamit nila (mga sindikato) sa mga bata para magsagawa ng mga krimen.

Batid naman natin na kahit ibaba pa ang age of criminal liability ay itutuloy lang ng mga sindikato ang paggamit sa mga menor de edad. Isipin na lang natin kapag binaba sa minimum age of criminal liability, ang maiisip ng mga sindikato ay mas bata ang gagamitin nila. Sa totoo lang, hindi ito ang makatutugon sa ugat ng ating problema sa mga batang ginagamit ang kanilang kamusmusan.

Bago pa ipatupad ang minimum age na 15 sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act, nasa edad 9 anyos ang minimum age sa ilalim ng Presidential Decree No. 603 o Child and Youth Welfare Code.

Sa kasalukuyan, suportado ni dating Pangulo na ngayon ay House Speaker Representative Gloria Macapagal Arroyo ang panukalang pababain ang criminal liability edad 15 – 9 na anyos.

Matatandaan na pirmado ni Ginang Arroyo ang RA 9344 o ang Juvenile and Welfare Act of 2006 noong siya ay Pangulo pa. Ang RA 9344 ay naglalayong pababain ang age of criminal liability edad 15 anyos.

Kung magkaganun, mukhang hindi pa dito matatapos ang usaping ito dahil may mangilan-ngilang ahensya ng Gobiyerno ang umaalma dito. Kung sakaling maisabatas ang panukalang ito, ano naman kaya ang naghihintay na kinabukasan sa ating mga kabataang nalalagay sa alanganin na ang puno’t dulo ay ang mga sindikatong hindi natin mahuli-huli mula noon pa man hanggang ngayon. Sila ang dapat panagutin hindi ang mga musmos na dapat ay pag-aaral at paglalaro lamang ang kanilang iniisip hindi ang usaping batas ng pagkabilanggo na siyang pipigil sa kanilang maganda sanang kinabukasan. /DM

Photo credit: Google.com

http://www.facebook.com/diyaryomilenyo

https://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2006/ra_9344_2006.html

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s